Friday, February 24, 2012

Restriction Enzyme Cleavage

Nalimot na ang lumikha
kumatha
Panahong lumipas
blangko
Ni walang marka ang papel


Nang ang tinta ay maligaw
nangamba ang papel
Ni hindi nya naisip masulatan
Nais niyang panatilihin ang pagkaputi
pagkapayak
pagkalinis
Ngunit
pagkablangko

Kapag ang papel ay sinulatan,
hindi na kayang burahin pa.

Kaya hindi nya na ninais ang marka,
Mas pinili niya ang pag-iisa.


-Penguin sa Palengke

0 comments:

Post a Comment