Wednesday, January 4, 2012

Pangarap (JUNE 26, 2010)

WHEN: June 26, 2010



Pangarap?

Wala na ako nun. Hindi ko na alam yun.


Kung tatanungin ako ngayon kung anong pangarap ko, hindi ko na alam.

Dati, gusto kong maging manunulat. Madalas noong bata ako, tuwing pumupunta kaming Maynila, madalas kong sabihin na gusto kong magtrabaho sa Manila Bulletin pag laki ko.

Noong highschool ako, alam ko na gusto kong kumuha ng Communication Arts / Mass Communications. Pangalawang gusto ko ay Journalism. Pinadalhan ako ng maraming libro ng lolo ko galing Amerika tungkol sa pagsulat ng teknikal at malikhaing pagsulat.

Nakalagay lang sa aming sala ang mga librong iyon simula noon. At kanina, biglang napunta ang aking pagtingin sa mga librong "nakatambak". Writing. Ayun ang nakalagay sa harap ng libro. Katabi ng librong iyon ang madami pang mga libro. Katabi rin ang aklat ng talambuhay ni Rizal na ang nagmamay-ari naman ay isa ko pang lolo. Isa iyon sa mga gusto kong libro. Mahilig kasi ako sa kasaysayan at mahilig din sa libro ng talambuhay. Dalawa pa lang naman ang nababasa kong aklat ng talambuhay, ayun ngang kay Rizal at ang isa ay kay Imelda Marcos.

Sandali, halo-halo na ang mga sinasabi ko.

Nung nagkolehiyo ako, napunta ako sa Biology. Mahabang kwento. Ito ay isang mundo malayo sa gusto ko. Ni sa hinagap, hindi ko naisip na mapupunta ako dun at kukunin ko ang kursong iyon.

Pinadalhan ako ng lolo ko ng maliit na microscope. Haha. Nakakatuwa. Ang cute. Nung nasa 4th year college na ako, pinadalhan niya naman ako ng Insect Pins sa Amerika. Umorder ako online at siya na ang nagbayad at nagpadala dito. Hindi ko naman alam kung saan ako makakabili ng mga ganoong pins dito sa Pilipinas. Para yun sa thesis namin na mga Bangaw.


At natapos ang kolehiyo. Alam ko naman talaga na hindi ako makakatulog sa pagdodoktor. Ayaw ni Mama. O baka hindi nya pa kaya nung panahong nagtapos ako ng Biology dahil nasa kolehiyo pa din ang kapatid ko.

At nagtrabaho na ako.....
Nag-apply ako noon sa mga airlines. Gusto ko kasing maging flight attendant. Ayun kasi ang sinasabi nila nung bata ako na pwede akong maging. Kaya ayun, sinubukan ko. Hindi nila ako tinanggap kasi mataba ako. Ganun naman talaga sa mundong iyon.

Nag-apply ako sa mga hotel. Natanggap naman ako, hindi nga lang muna sa posisyon na inapplyan ko dahil Biology graduate ako. Ang layo nga naman. Oh well. Pagkalipas nga isang taon, nalipat ako sa posisyon na gusto ko noon pa. Pero wala rin, pagkatapos ng ilang buwan, kinailangan ko ding umalis doon. May mga bagay na kelangan mo ng iwanan kung alam mong wala ka ng hinaharap pa.

At lumipat na ako sa kung saan ako nagttrabaho ngayon. Okay naman. Nagsisimula pa lang naman ako. Ka-mundo ito ng hotel. Isang resort sa Cebu.


Sinasabi ko dati na ayoko sa mundo pinasukan ko. Hindi ako bagay sa mundo ng maaayos ang itsura, magaganda (airline, hotel at resort). Gusto ko sa mundo ng matatalino (medisina) pero mas nadadagdagan ang doubt ko sa sarili ko.

Iniisip kong hindi ko kaya ang mga mundong ito.

E ano na napapala ko?

Ang haba na neto. Story telling?


Nagsimula lang ako sa salitang Pangarap hindi ba?

Nasagot ko na ba ang tanong ko sa una kung ano na ang pangarap ko?


Hindi paren. Kasi hindi ko alam. Hindi ko na alam.

Hindi ko na alam ang gusto ko.

Kung ang pangarap ay ang gusto mong maging trabaho pag tanda mo, ah e, hindi ko pa alam ang pangarap ko.

Pero kung ang pangarap ay ang gusto mong makamit sa buhay mo, meron ako noon. Kung ganto nga ang tamang ibig sabihin ng salitang pangarap, eto ang munti kong pangarap,

"Gusto kong mapasaya ang aking ina at gusto kong maging proud siya sa akin, sa aming magkapatid."

SIMPLE. Kay simpleng pangarap pero bakit parang hindi ko maabot? Hindi ko magawa.




Ah e, tama na muna eto. Magttrabaho muna ako. =)


Marra.
Thanks.
Love and Peace.

0 comments:

Post a Comment